DAGUPAN CITY- Nahuli sa isang CCTV footage ang aksidente ng motorsiklo sa Barangay Malabago, sa bayan ng Mangaldan,

Makikita sa video ang pagtawid ng isang garong na bigla na lamang sumalpok ang kasunod na motorsiklo.

Ayon kay PCPT Jerome Marquez, Duty Officer ng Mangaldan PNP, sumemplang ang motorsiklo kasabay ng dalawang sakay nito habang nahulog ang isang sakay ng garong, samantalang ang driver naman ay nanatiling nakasampa ngunit nabangga ang nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Lahat ng mga nasangkot ay nagtamo ng minor injuries at agad dinala sa ospital.

Sa ngayon, nagpapagaling na sila at nagkasundo na ang magkabilang panig hinggil sa mga gastusin dulot ng insidente.

Paalala ni PCPT Marquez sa mga motorista laging mag-signal kapag liliko at maging maingat sa kalsada upang maiwasan ang mga aksidente.

--Ads--