Mga kabombo! Isa ka ba sa mga natatakot sa taglay na kamandag ng Burmese python?
Nako! Mukhang worry less na dahil may bagong naimbento na panakot sa mga ito!
Paano ba naman kasi, isang makabagong teknolohiya ang ginagamit ngayon sa Florida, U.S.A., upang labanan ang patuloy na pagdami ng mga invasive species na Burmese python sa Everglades: ang paggamit ng mga robot na kuneho na idinisenyo upang maging pain.
Ayon sa mga opisyal, ang pinakamalaking hamon sa pagkontrol sa mga python ay ang paghahanap sa kanila dahil sa kanilang galing sa pagtatago.
Dahil dito, aba! umusbong ang mga robot na kuneho, gumagalaw, at may amoy na parang tunay na kuneho na siyangg aakit sa mga ahas at magpapalabas sa kanilang mga lungga.
Sa katunayan, nito lamang summer, 120 na mga robot na kuneho ang ipinakalat bilang bahagi ng isang eksperimento na pinangunahan ng South Florida Water Management District at ng mga scientists mula sa University of Florida.
Lumalabas din na ang bawat robot ay may kasamang video camera na magpapadala ng signal kapag may papalapit na python, na magbibigay-daan sa mga awtoridad na agad itong puntahan at hulihin.
Ang mga ito ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang $4,000 (halos P228,000).
Bagama’t maaga pa para sabihin kung gaano ito kaepektibo, umaasa sila ng magandang resulta.
Ang mga Burmese python ay mga invasive species sa Florida. Hindi likas na nagmula sa Florida ang mga ito at itinuturing na isang malaking banta sa ecosystem ng Everglades.
Mula noong 2000, mahigit 23,000 na python na ang naalis sa lugar, ngunit patuloy pa rin ang pagdami nito.
Ang proyektong ito ang pinakabagong hakbang sa kanilang patuloy na pagsisikap na protektahan ang mga endemic species sa rehiyon.