DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! Mahilig ka ba sa robots?

Paano kung malaman mong kaya rin ng mga ito na makipagsabayan sa larangan ng sports.

Nagtagisan kasi ng galing ang mga AI-powered robot sa unang ROBO League robot soccer tournament na ginanap sa Beijing, China kung saan nagsagupa ang mga koponan sa format na 3 laban sa 3.

--Ads--

Libu-libong manonood ang dumagsa upang saksihan ang kakaibang laban ng mga robot na gumagamit ng AI para sa kanilang estratehiya sa laro, mula sa pagposisyon sa field hanggang sa pagtatangkang makaiskor ng goal.

Sa huli, nanaig ang THU Robotics team mula sa Tsinghua University matapos talunin ang Mountain Sea team ng China Agricultural University sa iskor na 5-3.

Ang kaganapan ay bahagi ng paghahanda para sa 2025 World Humanoid Robot Sports Games na gaganapin sa Beijing sa darating na Agosto.