BOMBO DAGUPAN – Kumpirmadong hiwalay na sina Ai-Ai delas Alas at asawang si Gerald Sibayan.

Ito ang isang malaking rebelasyon na inaasahang ibabahagi umano ni Ai-Ai sa publiko .

--Ads--

Ikinasal sina Ai-Ai at Gerald sa Christ The King Parish Church sa Greenmeadows, Quezon City, noong Disyembre 12, 2017, ang Feast of Our Lady of Guadalupe.

Sa kabila ng kanilang May-December relationship, tumagal ng isang dekada ang kanilang relasyon at naging masaya sila.

Kaya marami ang nabigla sa balitang hiwalay na ang dalawa, isang isyung bibigyang-linaw ni Ai-Ai sa kaarawan niya sa Nobyembre 11, 2024.

Kung matatandaan na naging very proud pa nga noon si Ai Air sa kanyang asawa dahil sa pagiging good provider.