Nangako ang Aguilar Pnp na mas palalakasin pa nila ang kampanya kontra rape o panggagahasa.

Ito mismo ang tiniyak sa Bombo Radyo Dagupan ni Police Captain Romel Sembrano, hepe ng Aguilar Police Station.

Ayon sa opisyal, bukod sa pagsugpo sa iligal na droga, pagtutuunan din umano nila ng pansin ang mga kaso ng rape o panggagahasa sa kanilang nasasakupan.

--Ads--

Sisiguraduhin din umano ng kanilang himpilan ang pagkakaroon ng crime reporting system at epektibong public awareness campaign upang mabawasan ang bilang ng mga naitatalang rape cases at iba pang uri ng pang-aabuso sa mga kababaihan.

Isang halimbawa na lamang aniya ng public awareness ay ang kanilang pinalakas na information dissemination campaign kung saan ang kanilang mga police personnel ay nanghihikayat ng mga naging biktima na dumulog sa kapulisan para sa police intervention.