Umabot sa $29.63 billion ang agricultural trade ng bansa noong 2025, ang pinakamataas nito magmula noong 1991.
Ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas din ito ng 8.9 percent kumpara sa $27.22 billion na naitala noong 2024.
Pumalo ang exports sa $9.25 billion, 31.2 percent ng kabuuang kalakalan, at mas mataas ng 19.3 percent sa $7.75 billion noong 2024.
Gayunman, mas mababa ito kumpara sa 20.6-percent annual growth noong 2024.
Samamtala, naitala ang imports sa $20.37 billion, 68.7 percent ng kabuuang kalakalan, at mas mataas ng 4.7 percent sa $19.46 billion noong 2024.
Ngunit ito ay nagpakita ng mas mabagal na pagtaas kumpara sa 8.6 percent noong nakaraang taon.
Naitala ang total trade deficit noong 2025 ay $11.12 billion, mas mababa ng 5.0 percent kumpara sa $11.71 noong 2024.
Ito ang pinakamaliit na deficit sa loob ng apat na taon o magmula nang maitala ang $8.89-billion deficit noong 2021.
Isa rin itong reversal mula sa 1.9-percent increase noong nakaraang taon.










