DAGUPAN CITY–Labis na ikinalulungkot ng mga agri groups sa bansa ang pagpanaw ni Eduardo ‘Danding’ Cojuangco, chairperson ng San Miguel Corporation at dating ambassador ng Pilipinas sa Amerika.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Engr. Rosendo So at malapit na kaibigan ng pamilya Cojuangco, labis nilang ikinalulungkot ang pagpanaw nito na labis ang ibinigay na suporta sa agriculture sector sa bansa.

Sa katunayan aniya 40 percent ng supply ng manok sa bansa ay sakanila nagmumula .

--Ads--

Ipinapaabot din nito ang kanilang simpatiya sa mga kaanak ng namayapang entrepreneur na itinuturing din bilang “one of the country’s leading businessmen”.

Inilarawan pa ni So si Cojuangco bilang isang mamamayan ng bansa na may pagmamahal sa bayan dahil sa pagtulong at suporta nito sa sektor ng agrikultura.

Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Engr. Rosendo So at malapit na kaibigan ng pamilya Cojuangco

Si Cojuangco ay pumanaw sa edad na 85 dahil sa lung cancer sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig alas 10:40 ng gabi ng Martes (June 16).