BOMBO NEWS ANALYSIS – Maituturing na panibagong labag sa batas at agresibong aksyon ng Chinese Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea ang pagbangga nito ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard.
Ayon sa isang mataas na opisyal ng bansa ang nabanggit na hakbang ng CCG ay direktang pagsuwag sa ating soberenya at garapalang paglabag sa international law partikular sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kung saan parehong lumagda ang Pilipinas at China.
Mistulang wala ring saysay ang patuloy na pagsusulong ng Pilipinas ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon dahil sa paulit ulit na insidente ng panghaharass na kagagawan ng CCG .
Tunay na nakakabahala at nagpapalala ng tensyon sa West Philippine Sea.
Ang ginagawa ng China ay nagdudulot ng panganib sa mga buhay ng mga manlalayag at lumalabag sa pandaigdigang pamantayan.
Hindi ito dapat baliwalain at tutukan ang pangyayaring ito dahil ang pinakakawawa dito ay mga mangingisda natin ang tanging pinagkakakitaan ay ang pangingisda.
Kailangan na magbigay seguridad sa mga ito para masiurgurong maipatupad ang malayang paglalayag.