DAGUPAN CITY–Kinumpirma ni Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil at Presidente ng League of Municipalities of the Philippines Pangasinan chapter, na muling lumalaganap ang African Swine Fever o ASF hanggang Eastern Pangasinan.

Sa kanyang nakuhang datos, 43 na bayan na sa Pangasinan ang apektado ng ASF.

Kaugnay nito ay inanyayahan siya sa Sangguniang Panlalawigan dahil sa napabalitang paglaganap ng sakit upang makuhanan ng opinyon kung papaano ito matugunan.

--Ads--

Bilang presidente ng LMP, iniutos niya sa mga alkalde ng mga apektadong bayan na maghigpit sa pagbabantay o monitoring para hindi na lumaganap pa ang sakit ng mga baboy.

Giit niya na ang pagkakatay ng baboy ay dapat mabantayan ng National Meat Ispectio Service, dahil mayroon silang scientific na pamamaraan na tumutukoy kung apektado ng ASF ang baboy.

Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil at Presidente ng League of Municipalities of the Philippines Pangasinan Chapter

Naniniwala si Bataoil na ang dahilan ng paglaganap ng sakit ay dahil sa kakulangan ng koordinasyon at agarang pag uulat. Hindi nabibigyan ng abiso ang mga karatig bayan o boundary ng mga bayan bayan.