Malapit na umanong maubos ang suplay ng kuryente sa Afghanistan kung kaya’t tulong mula sa iba’t ibang bansa ang tanging hiling ng mga Afghan nationals.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa isang Afghan Journalist na tumanggi nang magpabanggit ng pangalan sinabi nito na kung magpapatuloy ang kanilang sitwasyon ay mauubos ang kanilang pera para makabili ng suplay ng kuryente mula sa bansang Tajikistan.
Wala rin umanong pagkakaisa ang mga Afghan kaya’t mahihirapan sila dahil ilang taon silang nakadepende sa ibinibigay ng mga dayuhang bansa partikular na ang Amerika.
Aniya na hindi rin sila dapat ituring na kalaban at tulong lamang ang kanilang pinapanawagan.
Dagdag pa nito na nasa kritikal na sitwasyon na umano ang mga natitira pang residente sa naturang bansa matapos tuluyang linisan ng American troops ang Afghanistan.
Sinabi nito na matapos ang itinalagang deadline kagabi ay wala na umano silang mahingian ng tulong na mga rescue at army forces na pwedeng prumotekta sa kanila laban sa mga Taliban.
Malaking dagok umano ang pagkawala ng tulong mula sa mga banyagang bansa dahil kasabay nito ang pagkawala ng kanilang demokrasya. Wala rin umanong pagkakaisa.
Aniya nakakatanggap na sila ng ilang banta kung kaya’t pinili nitong itago ang kaniyang pagkakailanlan. Kitang-kita na rin umano ang mga army equipments na hawak ng oposisyong grupo kaya’t mas nababalot ng takot ang kanilang lugar.