BOMBO DAGUPAN – Karapatan ng isang empleyado ang magresign o umalis sa kaniyang kasalukuyang trabaho sa anumang dahilan.

Ayon kay Atty. Joey Tamayo Resource Person Duralex Sedlex na kung ayaw ng magtrabaho ng isang tao ay walang magagawa ang may-ari subalit may mga trabaho na kailangan munang tapusin ang kontrata.

Kaugnay nito ay mainam na ipagbigay alam sa iyong employer ang planong pag-alis, 1 buwan na araw bago ang pag-resign upang makahanap agad ng kapalit dahil kung hidni ay malaki ang mawawala sa employer gayong hindi ganoon kadali maghanap ng empleyado.

--Ads--

Ang pagbibigay ng advance notice ay magsisilbing daan upang magkaroon ng maayos na transisyon sa iyong pag-alis at paghahanap ng maaaring pumalit sa iyong maiiwan na posisyon o responsibilidad.

Pagbabahagi pa ni Atty. Tamayo na bagamat karapatan ng isang empleyado ang umalis ay dapat mayroon din itong konsiderasyon sa namumuhunan o sa employer nito.

Samantala, kaugnay naman sa rendering days ani Atty.Tamayo na mahalaga ang irerender na serbisyo dahil ito ay nakasaad sa National Labor Code at kung anuman ang napirmahang kontrata ay mainam na ito ay sundin upang maging maayos ang pag-alis sa dating trabaho.