Pinag-iisipan ng administrasyon ni US President Donald Trump na magpatupad ng malawakang travel restrictions para sa mga mamamayan ng maraming bansa bilang bahagi ng isang bagong pagbabawal.

Ang memo ay naglista ng 41 bansa na nahati sa tatlong grupo. Ang unang grupo ng 10 bansa, kabilang ang Afghanistan, Iran, Syria, Cuba, at North Korea, ay magkakaroon ng kabuuang suspensyon ng visa.

Sa pangalawang grupo, limang bansa – Eritrea, Haiti, Laos, Myanmar, at South Sudan – ay makakaranas ng partial suspension na makakaapekto sa tourist at student visas pati na rin sa ibang immigrant visas at kung may ilang mga eksepsyon.

--Ads--

Sa pangatlong grupo, 26 na bansa kabilang ang Belarus, Pakistan, at Turkmenistan ay isasaalang-alang para sa partial suspension ng US visa issuance kung hindi magsasagawa ng hakbang ang kanilang mga gobyerno upang tugunan ang mga kakulangan sa loob ng 60 araw, ayon sa memo.

Ayon sa isang opisyal ng US, maaaring magbago ang listahan at hindi pa ito aprubado ng administrasyon.