Politically stable pa namang maituturing ang administrasyong Marcos sa kabila ng mga binitawang pahayag ni Senator Imee Marcos laban sa pangulo.
Ayon kay kay Atty. Edward Chico, isang Law Professor at Political Analyst bagamat kapansin-pansing ang mga pangyayaring nagaganap sa nakalipas na mga buwan sa pulitika ng bansa, ay kontrolado pa naman ang lahat sa ngayon.
Aniya matindi lamang ang away sa pagitan ng oposisyon at administrasyon kung saan lubusang apektado ang ekonomiya ng bansa.
Kung magtutuloy-tuloy ito ay mahihirapan ang bansa na makakuha ng investors na mamumuhunan sa Pilipinas.
Saad pa ni Chico na ang delikadong balanse sa pulitika, kung saan ang personal na relasyon, pampublikong pahayag, at pampulitikang tensyon ay maaaring magdulot ng direktang epekto sa ekonomiya at sa tiwala ng mga mamumuhunan.
Samantala, sakali mang mapatunayan na totoo ang alegasyon ni Sen. Imee sa kaniyang kapatid ay maaari itong gamiting ground for impeachmen laban sa Pangulo.
Bukod sa maaari itong gamitin ng oposisyon laban kay Pangulong Marcos ay maituturing din itong betrayal of public trust.









