Mga kabombo! Isa ka ba sa mga lalaking naiilang kapag nakakakita ng bra?

Eh paano na lamang kung malaman mong may mga bra pala para sa mga kalalakihan? Ngunit hindi sa dibdib inilalagay, kundi, sa adams apple?

Ito kasi ang panawagan ng isang Chinese social media influencer na si Zhu Miaolin—mas kilala bilang si Ah Miaomonline.

--Ads--

Aniya, sa kanyang mga kaibigang lalaki, dapat daw magsuot ng “Adam’s apple bra,” na para sa kanya ay posibleng maging simbolo rin ng women’s empowerment.

Ang kanyang panawagan ay kasunod ng paglabas ng resulta ng National Census sa China na nagpapakita ng malaking gender imbalance.

Lumalabas kasi sa kanilang census na natuklasang may mahigit na 34.9 milyong kalalakihan sa naturang bansa kumpara sa mga babae. at laganap din ang gender inequality sa China.

Ayon kay Miao, ang gender inequality ay isa rin sa malaking rason kung bakit ang majority ng Chinese young women ay ayaw nang mag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya.

Kaya para kay Ah Miao, ang pagsusuot ng mga kalalakihan ng Adam’s apple bra ay isang innovative way para ma-empower ang mga kababaihan sa kanyang bansa.

Aniya, gaya ng women’s breasts, ang Adam’s apple ay delicate at sensitive area para sa mga lalaki at dapat protektahan.

Kilala si Ah Miao sa pagtatanggol sa karapatan ng mga kababaihan sa China. Positibo naman aniya ang kaniyang panawagan na magsuot ang mga kalalakihan ng Adam’s apple bra.

Dito na rin napag-alamang mayroon talagang benta sa isang sikat na e-commerce platform na Adam’s apple bras, kung saan ay aabot ang presyo nito sa P176 at gawa sa mga materyales na gaya ng wool, leather, and lace.