Tahasang binara ng aktres na si Xyriel Manabat ang basher na pumuna sa kanyang malaking hinaharap.

Sa kanyang post, nag-upload ito ng dalawang larawan niya nakasuot ito ng plunging neckline kaya tumambad ang bahagi ng malaki niyang hinaharap.

Sabi niya sa caption, “Less than 5ft to be exact but still slayin’ “

--Ads--

Nagkomento rito ang ilang celebrities at maraming netizens din ang nagandahan at naseksihan kay Xyriel.

Pero isang netizen ang nakaagaw-pansin sa atensiyon ni Xyriel.

Suhestiyon ng netizen, baka raw puwedeng bawasan ang hinaharap ng aktres dahil tila ang bigat nitong dalhin.

Binara naman kaagad siya ni Xyriel na manahimik na lang dahil parang stupid magcomment.

Noon pa man ay sinasabi na ng aktres na hindi hadlang ang kanyang kakulangan sa height at pagkakaroon ng malaking dibdib para gawin ang mga gusto niya.

Sa katunayan, mas naaapektuhan daw siya sa hindi makatarungang trato sa kanya ng iba dahil sa kanyang katawan.

Ito rin daw ang rason kung bakit hindi siya napapagod sumagot sa mga taong kumukutya at bumabastos sa kanya.