Ipinost ng actress na si Carla Abellana ang isang larawan, kung saan ay kita sa larawan ang magkatabing binti ng lalaki at babae.
Sa isa pang kuha sa restaurant table ay makikita sa larawan ang isang lalaking hawak at tumitingin sa menu.
Hindi kita ang buong mukha ng lalaki at kita lamang ay ang kanyang bibig at baba.
October 2021 nang ikasal si Carla sa aktor na si Tom Rodriguez matapos ang ilang taong relasyon.
Subalit makalipas lamang ang ilang buwan ay umugong ang balitang hiwalay na sila.
Sinabi naman Tom, isang U.S. citizen, na nakakuha siya ng divorce decree noon pang June 2022.
June 2024 naman nang kumpirmahin ni Carla sa isang interview na kinilala na ng Philippine court ang divorce decree nila ni Tom, na ngayon ay mayroon ng anak.
Marami namang nag comments na mga fans na masaya sila para kay Carla dahil sa masayang lagay na ngayon ng kanyang love life.