DAGUPAN City- Itinuturing ng Alliance of Concern Teachers (ACT) Partylist na malisyoso at isang uri ng red-tagging ang pahayag ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte tungkol sa mga kinakaharap na isyu sa sektor ng edukasyon.

Ayon kay Rep. France Castro ng naturang grupo, tila hindi umano na-rerelate ang pahayag na ito ni VP Duterte sa nakaraan nitong pahayag ukol sa mga kinakaharap na problema ng edukasyon sa bansa.

Aniya, “valid” naman ang kanilang mga nakaraang pahayag na maraming mga isyu na kinakailangan na agapan ng nabanggit na ahensiya gaya na lamang ng kakulangan sa mga guro, pagpapataas sa kanilang sahod, pagkukumpuni at pagtatayo ng mga karagdagang mga school building, problema sa curriculum, at iba pa.

--Ads--

Katunayan hindi naman umano galing sa kanilang hanay ang pahayag na pinatutungkulan ng Education Secretary ukol sa “unrealistic and impossible” na komento sa ginagawa ng kanilang hanay kundi ito ay mula sa Alliance of Concerned Teachers Union.

Kaya naman payo niya sa kay Vice Pres. Duterte, imbes na masamain ang kanilang mga mungkahi, ay mas mainam na lamang umano na gumawa ng pangmatagalang solusyon sa mga nabanggit na problema at itigil na ang redtagging sa kanilang hanay dahil ang kanilang mga mungkahi naman ay makatotohanan upang maitaas ang antas ng kalidad ng edukasyon sa bansa.