Dagupan City – Ininspeksyon ang ilang bahagi ng Don Severino Road sa Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City, kaugnay ng mga proyektong may layuning maiwasan ang pagbaha.
Kabilang sa tiningnan ay ang mga natapos nang kalsada at ang mga lugar na posibleng pagtayuan pa ng karagdagang drainage o access road.
Sa isinagawang pag-iikot, napag-alamang ang isang daang ginagamit ng mga residente bilang access road ay sakop ng pribadong pag-aari. Dahil dito, hindi ito maaaring galawin ng pamahalaan hangga’t walang pormal na kasunduan sa pagitan ng may-ari ng lupa at ng mga kinauukulan.
Ipinabatid sa mga residente na kinakailangang dumaan sa legal na proseso, kabilang na ang posibleng donasyon o pahintulot mula sa may-ari, upang maisama sa mga proyekto ng gobyerno ang nasabing daan.
Hangga’t wala pang pormal na kasunduan, hindi pa maaring ipatupad ang anumang imprastraktura sa lugar.
Ang naturang inspeksyon ay para sa flood control at maayos na access sa mga barangay.
Patuloy naman ang koordinasyon sa pagitan ng mga opisyal at mga ahensyang may saklaw sa isyu upang matukoy ang susunod na hakbang.