BOMBO DAGUPAN- Naging mainit ang pagtanggap ng mga tagasuporta ni US Vice President Kamala Harris sa kaniyang naging acceptance speech sa pagkapangulo sa nalalapit na eleksiyon sa Estados Unidos.
Ginanap ito sa Democratic National Convention sa Chicago kung saan dumalo rin dito ang kaniyang runningmate na si Tim Walz, ang kaniyang asawa’t mga anak at libo-libong mga tagasuporta.
Ilan lamang sa mga binigyang diin nito ay ang kaniyang pagtukoy sa kaniyang sarili ang kaniyang kinalakhan at pinagmulan.
Nagbigay din ito ng pahayag patungkol sa kaniyang katunggali na si Ex. US Pres. Donald Trump kung saan inilarawan niya ito bilang ‘unserious man’.
Aniya na ang pagtakbo ni Trump sa pagkapangulo ay hindi para sa taumbayan kundi para sa kaniyang pansariling interes.
Matatandaang napili ni US President Joe Biden si Harris na siyang hahalili sa kaniya sa halalan sa buwan ng Nobyembre matapos itong umatras sa eleksiyon.