Dagupan City – Patuloy pa rin ang ginagawang panghihikayat ng Abono Partylist sa mga kabataan upang maging parte ng indistruya ng agrikultura at sumali sa modernong pagsasaka dahil sa maliit na bilang ng mga kabataang interesado sa nasabing industriya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Albert Estrella, acting representative ng Abono Partlylist, kailangan umanong i-update ang mga farming techniques at ilang mga pamamaraan sa pagsasaka upang mas mapadali ang panghihikayat sa mga kabataang sumali rito.

Aniya, marami na rin ang maaaring pagkuhaan ng resources at maaaring maging daan ang social media upang mapadali ang proseso ng pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop.

--Ads--

Isa rin aniya sa nakikitang kakulangan ay ang panghihikayat na siyang nagiging sanhi o isa sa mga rason kung bakit hindi na masyadong interesado ang mga kabataan sa nasabing industriya.

Dagdag pa niya, pinag-aaralan ng grupo ang iba pang mga alternatibong pamamaraan, upang mas madaling makapag-produce ng mga alternative crops na maaaring itanim sa ating bansa.

Gaya na lamang ng research upang mas mapag-aralan pa at mapalawig ang mga modernized tools, tenchniques, at equipment tools para sa pagsasaka dito sa ating bansa.

Kaugnay nito, nananawagan ang grupo sa gobyerno na mai-extend ang tulong sa mga magsasaka, at karagdagang tulong sa grupo upang nang sa gayon at mas lalo pang mapaganda ang serbisyo. (Luz Casipit)