Personal na haharap sa witness stand si Vice President Sara Duterte upang depensahan ang sarili laban sa mga alegasyon sa impeachment case sa Biyernes, Disyembre 4.
Batay sa manifestation na inihain ng defense team nitong Linggo, haharap mismo si Duterte upang magbigay ng testimonya at pabulaanan ang lahat ng alegasyon at paratang laban sa kanya sa articles of impeachment.
Ito ang magiging unang pagharap ni Duterte sa impeachment trial mula nang magsimula ang paglilitis noong Hulyo. Kinumpirma ni defense counsel Atty. Michael Poa ang paghahain ng manipestasyon ng kanilang panig.
Samantala, Malugod namang tinanggap ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon, isa sa mga impeachment prosecutor, ang pagdedesisyon ng bise presidente na tumestigo.
Matagal nang iginiit ng prosecution na mahalaga ang personal na testimonya ni Duterte upang sagutin ang mga alegasyon, kabilang ang pagbabanta umano nito sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at pamilya nito, maling paggamit ng confidential funds at bribery.
Gayunman, nakatuon na ngayon ang prosekusyon sa mga alegasyon ng unexplained wealth at hindi umano makatotohanang pagsisiwalat ni Duterte ng kanyang ari-arian.
Sa Martes, Disyembre 1 magpapatuloy muli ang buong araw na paglilitis sa bise Presidente.










