‎Muling nagbigay-sigla sa pagdiriwang ng Kapaskuhan sa San Carlos City ang pagsasagawa ng Pailaw sa Plaza Lighting Ceremony, tampok ang pag-iilaw sa Christmas tree at iba’t ibang dekorasyon sa kanilang plaza.
‎
‎Nakiisa sa selebrasyon ang mga pamilya, kabataan at iba pang residente upang sama-samang saksihan ang pagbubukas ng Christmas season sa lungsod.
‎
‎Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Julier C. Resuello at Vice Mayor Joseres S. Resuello.
‎
‎Bukod sa pagpapaganda sa plaza, nagsilbi ring pagkakataon ang seremonya upang magsama-sama ang mga mamamayan at ipagdiwang ang diwa ng Pasko na nakasentro sa pagmamahalan, pag-asa at pagkakaisa.
‎
‎Patuloy namang pinahahalagahan ng lokal na pamahalaan ang mga tradisyong nagbibigay ng pagkakataon sa mga residente na magsama-sama at makiisa sa mga pagdiriwang sa lungsod.