Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na tiyaking magiging magaan ang pagdiriwang ng Pasko para sa mga Pilipino.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, maganda ang inaasahang galaw ng presyo ng mga bilihin sa mga susunod na araw.
Isa sa mga positibong senyales ang inaasahang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
--Ads--
Umaasa rin si Recto na susunod na bababa ang presyo ng mga pagkain na mahigpit na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI).
Tiniyak ni Recto na malinaw ang direktiba ng pangulo na gawing abot-kaya ang mga pangangailangan at Noche Buena ng bawat pamilyang Pilipino sa darating na Pasko.










