Wala pa ring katiyakan si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone kung makakasama nila si Kai Sotto para sa fifth window ng FIBA World Cup Asia qualifying window na gaganapin sa Seremban, Malaysia.

Makakaharap kasi ng Gilas ang Syria sa Nobyembre 27 at ang Iran naman sa darating na Nobyembre 29.

Tinatarget kasing Gilas ang isa sa walong slots na nakareserba sa Asya at Oceania sa FIBA World Cup sa Doha mula Agosto 27 hanggang Setyembre 12.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay nasa pang-limang puwesto sa anim na koponan sa Group E kung saan meron na lamang dalawang qualifying windows ang natitira.

Mayroon apat na panalo at apat na talo ang Gilas sa Group E kung saan nanguna ang Australia na mayroong walong panalo at wala pang talo.

Magiging senaryo kapag na-sweep ng Gilas ang dalawang laro ay magiging anim na panalo apat na talo na lamang sila kung saan gaganapin ang final window ng Gilas sa SM Seaside Arena sa Cebu laban sa Jordan sa Pebrero 26 at Syria sa Marso 1.

Sa huling window ng laro ng Gilas ay ng talunin nila ang Jordan at Iran na ito lamang ang pinakahuling laro ni Kai Sotto.

Ang 24-anyos na si Sotto ay naglalaro pa rin sa Japan B-League.

Inamin naman ni Cone na mayroong malaking tsansa na makakapaglaro na si Benny Boatwright matapos na makumpleto na nito ang kaniyang naturalization.