Dagupan City – Kabilang ang bayan ng Binmaley sa walong pinakamayamang munisipalidad sa Pangasinan batay sa naipong assets para sa Fiscal Year 2025, ayon sa Annual Audit Reports ng Commission on Audit (COA).
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Pedro A. Merrera III, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang responsableng pamamahala sa pananalapi at napapanatiling kaunlaran upang mapatatag ang pundasyon para sa kinabukasan ng mga residente.
Ang pagkakasama ng Binmaley sa naturang ranggo ay nagsisilbing hamon sa lokal na pamahalaan na higit pang palakasin ang pananagutan, maayos na pamamahala, at responsableng paggamit ng mga pampublikong yaman.
Binigyang-diin din ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pagpapaunlad ng bayan at sa pagsusulong ng mga programang naglalayong mapabuti ang kanilang kapakanan.
Sa patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at komunidad, layunin ng Binmaley na mapanatili ang maayos na pamamahala at maisulong ang mga proyektong susuporta sa pangmatagalang pag-unlad ng bayan.









