Kinumpirma ng Canadian government ang pagkakaroon ng mga nasawi at nasugatan matapos ang isang seryosong insidente na nagdulot ng malaking sunog sa Canadian Forces Base Wainwright sa lalawigan ng Alberta, Canada.
Ayon sa opisyal na pahayag ng Canadian Armed Forces nitong Oktubre 18, 2026, nagsimula ang sunog bandang alas-4 ng hapon noong Oktubre 17, lokal na oras, sa training area ng base bago mabilis na kumalat lampas sa hangganan nito.
Ayon kay Canadian Defense Minister David McGuinty, patuloy ang pagtugon ng mga emergency responder katuwang ang mga lokal na awtoridad at Royal Canadian Mounted Police. Hindi pa inilalabas ng militar ang opisyal na bilang ng mga nasawi at nasugatan habang isinasagawa ang pagkilala sa mga biktima at ang pagpapaalam sa kanilang mga pamilya.
Samantala, wala pang nakitang opisyal na kumpirmasyon na may Pilipinong nasawi o nasugatan sa insidente.










