Nasawi ang 34 estudyante at isang guro matapos magcollapse ang bubong ng isang paaralan sa Pakistan ayon sa mga awtoridad nitong Huwebes.
Sa ulat ng local rescue ng Bilal Ahmed, matinding buhos ng ulan ang naging sanhi ng pagguho ng bubong ng dalawang palapag na gusali sa Al Khair Public School sa Peshwar, Pakistan.
Sa tala ng Lady Reading Hospital, tinatayang may edad anim hanggang 14 anyos ang mga mag-aaral habang isang 25 anyos naman na guro ang nasawi.
Umabot naman sa 50 na iba pang mga bata ang naitalang nasugatan sa insidente.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Pakistan president Asif Ali Zardari at ang primse minister na si Shehbaz Sharif sa lahat ng nadamay sa insidente, maging sa mga naulilang pamilya.
Samantala, inaresto naman ang may ari ng paaralan habang gumugulong ang imbestigasyon.










