Pinangunahan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle ang isang Banal na Misa sa St. Peter’s Square sa Vatican City nitong Miyerkules, Oktubre 14, habang nagpapagaling si Pope Leo XIV matapos matuklasan ng mga doktor ang isang maliit na bukol sa kanyang baga na nangangailangan ng operasyon.
Dahil sa rekomendasyon ng kanyang mga doktor, nagpasya siyang sumailalim sa operasyon upang alisin ang bukol. Nagpasalamat din siya sa mga taong nagpaabot ng suporta at nangakong ipagdarasal ang kanyang paggaling.
“I thank you for your spiritual closeness and entrust myself to your prayers,” pahayag ng Santo Papa, na humiling ng patuloy na panalangin mula sa mga mananampalataya.
Samantala, nitong Biyernes ay itinalaga si Tagle bilang Dean of the College of Cardinals, isang mahalagang posisyon sa ng mga kardinal ng Vatican. Kabilang sa mga tungkulin ng dekano ang pangunguna sa ilang pagpupulong ng mga kardinal at mahahalagang gawaing may kaugnayan sa pamamahala ng Simbahan. Via Bombo Ivan Rizada










