Dagupan City – Nagsagawa ang Sual Municipal Police Station sa pangangasiwa ni PMAJ Mark Archie M. Aguilar, OIC, ng Oplan Bandillo upang palakasin ang kamalayan ng publiko sa pag-iwas sa krimen.

Layunin ng aktibidad na paigtingin ang pakikilahok ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa lugar.

Sa pamamagitan ng Oplan Bandillo, pinaalalahanan ang mga residente na manatiling mapagmatyag at agad na iulat sa pulisya ang anumang kahina-hinalang insidente o gawain.

Bahagi ito ng patuloy na hakbang ng Sual MPS upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan.

Patuloy ding hinihikayat ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad bilang bahagi ng sama-samang pagsisikap laban sa krimen.