Dagupan City – Isinagawa ng Pangasinan Public Employment Services Office (PESO) ang Basic Mobile Photography Training para sa mga miyembro ng OFW Associations, lokal na photographer at iba pang kalahok sa lalawigan.
Layunin ng pagsasanay na mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa mobile photography, partikular sa paggamit ng mga pangunahing teknik sa pagkuha ng mas malinaw, maayos at malikhaing mga larawan gamit ang mobile devices.
Tinalakay sa training ang mga batayang kaalaman sa photography na maaaring magamit ng mga kalahok sa kanilang personal, organisasyonal at iba pang gawain na nangangailangan ng visual content.
Bahagi ang aktibidad ng mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na nakatuon sa pagpapaunlad ng kasanayan at kaalaman ng mga Pangasinense sa iba’t ibang larangan.
Sa pangunguna ni Governor Ramon V. Guico III, patuloy na isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ang mga pagsasanay na naglalayong magbigay ng dagdag na kaalaman at praktikal na kasanayan sa mga mamamayan.










