Muling nagpalipad ng ballistic missiles ang North Korea sa karagatang malapit sa South Korea.
Ayon sa Joint Chiefs of Staff ng South Korea naganap ang nasabing pagpapalipad ng missile nitong nitong umaga ng Sabado, Oktubre 3.
Galing ang ballistic missile sa Wonsan City sa Korean Peninsula.
--Ads--
Dahil dito ay itinaas na ng South Korean military ang kanilang alerto.
Naglabas din ang Japan ng emergency alert ukol sa nasabing missile launch.
Nangyari ang pagpapalipad ng missile matapos na batikusin ni Kim Yo Jong, kapatid ni NoKor lider Kim Jong Un, dahil sa pinipilit ng South Korea na dapat ay humingi ng paumanhin ang North Koreadahil sa ginawang pagpapasabog ng landmine malapit sa Military Demarcation Line.










