Dagupan City – Nagsagawa ng Active Threat School Safety Symposium ang mga tauhan ng Calasiao Municipal Police Station sa Elpidio P. Roy Elementary School sa Calasiao, Pangasinan.
Isinagawa ang aktibidad noong Oktubre 1, 2026 sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Daryl V. Nevado, Officer-in-Charge ng Calasiao MPS.
Layunin ng symposium na palawakin ang kaalaman at kahandaan ng mga school personnel at mag-aaral sa pagkilala sa mga posibleng banta at tamang pagtugon sa oras ng emergency.
Bahagi rin ng aktibidad ang pagbibigay ng impormasyon upang mapalakas ang safety awareness at makatulong sa pagpapanatili ng ligtas na learning environment.
Patuloy naman ang pakikipagtulungan ng Calasiao MPS sa mga paaralan at komunidad sa pamamagitan ng information-sharing at iba pang aktibidad na naglalayong palakasin ang kahandaan at kaligtasan ng mga mag-aaral at school personnel.










