Napilitang mag-emergency landing ang pampasaherong eroplano na patungo sana sa Israel matapos na saksakin ng isang piloto ang kapwa nito.
Galing ng Dubai ang nasabing eroplano patungo sa Tel Aviv ng ito ay bahagyang bumulusok sa taas ng 17,000 talampakan bago ito ito na-divert ang flight sa Saudi Arabia.
Nagtulong-tulong ang nasa limang pasahero ng eroplano para pigilan ang suspek na nagtangkang pabagsakin ito.
--Ads--
Naaresto naman ang suspek matapos na makalapag ng maayos eroplano.
Tinawag naman ni Israeli defence minister na si Israel Katz ang insidente bilang “jihadist terror attack”.
Nagpadala na ng eroplano ang Flydubai sa Tabuk Airport sa Saudi Arabia para sunduin ang mga pasahero na na-stranded doon. | Via Jovino Galang










