Nakibahagi ang Pilipinas sa ginawang walkout sa United Nations General Assembly habang paakyat sa entablado si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu upang magtalumpati noong Huwebes, ayon sa kumpirmasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo.

Inihayag ni DFA spokesperson Analyn Ratonel na ang pakikibahagi ng bansa sa walkout ay pagpapakita ng pandaigdigang pakikiisa para sa kapayapaan sa Middle East at panawagan sa lahat ng panig na itigil ang mga aksyong nakakasira sa kondisyon ng kapayapaan.

Sinabi ng DFA na nananatiling labis na nababahala ang bansa sa lumalalang krisis sa Gaza, sa pagsusulong ng Israel sa E1 settlement plan, at sa patuloy na pagtaas ng karahasan sa West Bank.

--Ads--

Binigyang-diin ni Ratonel na ang mga ganitong hakbang ay nakahahadlang sa pagkamit ng makatarungan, matagalan, at kumpletong solusyon sa hidwaan sa Middle East, habang patuloy na sumusuporta ang Pilipinas sa two-state solution.

Sa naturang pagpupulong, sampung delegado ang sama-samang lumabas ng bulwagan nang magsimula ang talumpati ng pinuno ng Israel.

Tinawag naman ni Netanyahu na mga moral coward ang mga opisyal na nakiisa sa protesta, kung saan ito na ang ikatlong sunod-sunod na taon na ginawan siya ng walkout ng mga delegado mula pa noong kanyang mga talumpati noong 2024 at 2025. | Via Bombo Dennis Jamito