Dagupan City – Isinagawa ang awarding ceremony para sa Search for the Cleanest and Greenest Barangay at Trashion Show sa Binmaley Manpower and Development Center sa Binmaley, Pangasinan.

Tampok sa aktibidad ang pagkilala sa mga barangay at kalahok na nanguna sa naturang mga programa, na nakatuon sa kalinisan, pangangalaga sa kapaligiran at malikhaing paggamit ng mga recyclable at iba pang materyales.

Layunin ng mga naturang aktibidad na mahikayat ang patuloy na pakikilahok ng mga barangay at komunidad sa pagpapanatili ng malinis at luntiang kapaligiran, gayundin sa pagsusulong ng mga malikhaing paraan ng waste reduction at recycling.

--Ads--