Mahigpit na binantayan ng Lokal na Pamahalaan ng Tayug ang nasirang bahagi ng dike ng Ambayoan River sa Barangay Legaspi, kasunod ng patuloy na pag-ulan at malakas na agos ng tubig sa ilog.
Isinasagawa ang tuloy-tuloy na sandbagging operation at iba pang agarang hakbang upang mapigilan ang pagpasok ng tubig sa mga kabahayan at mabawasan ang panganib ng pagbaha sa komunidad.
Dahil dito, nagpayo ang mga otoridad sa mga residente ng Purok 6 at Purok 7 na manatiling alerto at inirerekomendang pansamantalang lumikas sa mas ligtas na lugar habang nagpapatuloy ang banta ng pagtaas ng tubig.
Umantabay naman ang mga sasakyan ng LGU Tayug at mga bus para magamit sa posibleng paglikas ng mga residente.
Samantala, Patuloy parin ang pagtutok ang MDRRMO, mga opisyal ng barangay at iba pang katuwang na ahensya sa sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga apektadong residente.










