Handa ang ilang mga senador na magsagawa ng overtime para impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Senator Panfilo Lacson, na karamihan sa majority bloc ay handang isagawa ang regular session sa umaga habang ang impeachment naman sa hapon hanggang gabi.

Plano kasi nila na mula sa dating alas-10 ng umaga hanggang alas-2:30 ng hapon ay maaring gawin itong mula alas-2:30 ng hapon hanggang 7:30 ng gabi sa susunod na buwan.

--Ads--

Maari pa silang umabot ng hanggang alas-11 ng gabi at hatinggabi para masunod ang napagkasunduan na isang witness sa kada araw.

Ang nasabing bagong schedule aniya ay maaring ipatupad sa susunod na linggo para mabigyan ng tsansa na magisa ng mga senador ang mga nakatalagang witness.

Dati kasi aniya ay napuputol ang impeachment hearing ng alas-3 ng hapon para bigyang daan ang kanilang regular session.

Maging ang mga minority senators aniya ay sang-ayon sa nasabing ideya.

Paglilinaw na pa ni Lacson an ang bagong schedule ay maaaring mabago depende sa sitwasyon.

Maaring sa araw ng Lunes o Miyerkules ay iaanunsiyo nila ang bagong oras ng impeachment trial.