Mahigit 100 katao ang nasawi matapos gumuho ang isang artisanal gold mine sa Zamboye, western Central African Republic.
Nangyari ang insidente nitong Martes habang maraming minero ang nagtatrabaho sa minahan.
Ayon sa mga lokal na opisyal, patuloy pa ang operasyon para hanapin ang mga nawawala at posibleng nakabaon ang mga ito sa gumuhong minahan.
--Ads--
May ilang survivors ding nagtamo ng malubhang pinsala.
Hindi pa pinal ang bilang ng mga nasawi dahil nagpapatuloy pa ang rescue at recovery operations.
Karaniwan ang ganitong uri ng aksidente sa artisanal mining sa Central African Republic dahil sa kakulangan ng regulasyon, kagamitan at mga safety measures sa maliliit na minahan. | via Bombo John Florez








