Nakatakdang maglabas ng desisyon ang Senate Impeachment Court kaugnay ng kontobersiyal na isyu sa “misleading questions” na naging mainit na usapin sa kasagsagan ng ika-15 impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa pagpapatuloy ng paglilitis ngayong Lunes, Agosto 17, hindi na muna pinagbigyan ni Trial Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero na magbigay ng manifesttaion si Atty. Amando Ligutan at sinabing bibigyan nila ito ng pagkakataon sa tamang oras na magpaliwanag ng kaniyang panig.

Ito ay matapos na hilingin ni House Prosecutor Joel Chua sa korte na maglahad ng manifestation ang counsel for prosecution na si Atty. Amando Ligutan kaugnay ng kaniyang naging post online tungkol sa “misleading questions.”

--Ads--

Matatandaang naging mainit ang usaping ito sa pagitan ng prosekusyon at depensa matapos sabihin ng counsel for defense na si Atty. Kristine Ferrer na pinapayagan ang ‘misleading questions’ sa kalagitnaan noon ng cross examination sa testigong si Xylene Del Campo, na tinutulan naman ng prosekusyon.

Kasunod nito, nag-post si Atty. Ligutan sa kaniyang social media account na bawal ang mga misleading questions kahit sa cross examination o pagtatanong sa testigo ng kabilang panig.

Pinalagan naman ito ng Lead Defense Counsel na si Atty. Sheila Sison sa pagsasabing “troubling” o nakababahala ang post na ito dahil tila pinatatamaan nito si Atty. Ferrer matapos ang mainit na sagutan nito kay Private Prosecutor Lorna Kapunan. Sinabi rin ni Atty. Sison na hindi ibig sabihin ni Atty. Ferrer na pinapayagan ang misleading questions sa cross-examination. Ang tinutukoy talaga ni Ferrer ay ang mga leading questions o mga tanong na masasagot lamang ng “Oo” o “Hindi”.