Handang makipag-usap ang South Korea sa North Korea para matapos na ang alitan ng dalawang bansa.

Ayon kay South Korean President Lee Jae Myung na mahalaga na magkarooon ng “multi-layered security system” para maiwasan ang paglala ng kaguluhan sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa nasabing pag-uusap din mababawasan na ang tensiyon sa demilitarised zone (DMZ).

--Ads--

Nag-alok din ang South Korean President ng praktikal na pamamaraan kung paano mapigilan ang nuclear ambition ng North Korea.

Nagtuloy-tuloy pa rin kasi ang ginawang pagsasagawa ng North Korea ng kanilang ballistic missile testing na ikinakabahala ng South Korea maging ang karatig na bansa gaya ng Japan.

Ang kaguluhan ng North at South Korea ay pansamantalang natigil mula ng mapirmahan ang armistice sa taong 1953.

Hindi pumirma ang dalawang bansa ng peace treaty kaya nananatiling nasa giyera ang dalawa mula noon.

Nagkaroon din ng tensiyon at labanan sa DMZ noong ilang dekada kung saan kapwa inakusahan ng bawat isa ng pagsisimula ng kaguluhan.