Labing-isang katao ang nasawi sa magkakasunod na Israeli airstrikes sa southern Lebanon, ayon sa mga awtoridad.
Pitong katao, kabilang ang tatlong bata at dalawang babae, ang namatay sa pag-atake sa isang bahay sa Ansar, Nabatieh. Apat naman ang nasawi at lima ang nasugatan sa hiwalay na airstrike sa Deir al-Zahrani.
Sinabi ng Israel Defense Forces (IDF) na target nito ang tinatawag nitong “Hezbollah terror infrastructure” bilang tugon sa naunang insidente na kinasangkutan umano ng mga sundalong Israeli.
Kinondena ni Lebanese Prime Minister Nawaf Salam ang pag-atake at hiniling sa Israel na itigil ang paglala ng tensyon.
Nangyari ang mga pag-atake sa kabila ng kasunduang inanunsyo noong Hunyo na naglalayong mabawasan ang labanan sa pagitan ng magkabilang panig.










