Dagupan City – Umabot sa mahigit 1,280 pamilya sa Barangay Poblacion Oeste sa Dagupan City ang nakatanggap ng Family Food Packs (FFPs) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Isinagawa ang distribusyon bilang bahagi ng agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang Dagupeño. Pinangunahan ito ng mga kinatawan ng DSWD katuwang ang mga lokal na opisyal at mga volunteer.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga lokal na opisyal kay DSWD Secretary Rex Gatchalian at DSWD Region I Director Marie Angela S. Gopalan, CESO III, para sa mabilis na paghatid ng tulong sa mga residente.

--Ads--

Kasama sa distribusyon sina Mayor Belen Fernandez, Vice Mayor Dean Bryan Kua, ilang mga konsehal gayundin ang DSWD Angels in Red Vests, City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Dagupan City Police Office (DCPO), Bureau of Fire Protection (BFP), Public Order and Safety Office (POSO), at mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Kapitan Mark Anthony Gutierrez.

Tumulong din ang mga volunteer upang matiyak na mabilis, maayos at organisado ang pamamahagi ng food packs sa mga benepisyaryong pamilya.

Sa pamamagitan ng koordinasyon ng DSWD at lokal na pamahalaan, agad na naihatid ang kinakailangang tulong sa mga pamilyang nangangailangan sa Poblacion Oeste.