Dagupan City – Patuloy ang isinasagawang inspection, monitoring at roving operations ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Sta. Barbara sa iba’t ibang barangay ng bayan ngayong Agosto 9, 2026.

Bahagi ito ng mga hakbang ng lokal na pamahalaan bilang paghahanda at pagtugon sa posibleng epekto ng Enhanced Southwest Monsoon o Habagat, partikular sa patuloy na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagtaas ng tubig at pagbaha.

Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pag-iikot, tinutukoy at minomonitor ng MDRRMO ang mga posibleng panganib sa komunidad, kabilang ang kondisyon ng mga daluyan ng tubig at mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagbaha.

--Ads--

Patuloy din ang koordinasyon ng MDRRMO sa mga barangay officials at iba pang concerned offices upang matiyak ang mabilis at naaangkop na pagtugon sakaling magkaroon ng emergency.

Layunin ng mga operasyon na mapalakas ang kahandaan ng bawat komunidad, maagap na matugunan ang mga panganib at mapangalagaan ang kaligtasan ng mga residente ng Sta. Barbara.