Dinagdagan ng gobyerno ng Pilipinas ang fuel discounts para sa mga drivers ng pampasaherong jeep ay UV Express.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, na magiging P12.00 na kada litro ang fuel discounts mula sa dating P10.00.
Magiging epektibo ito simula Agosto 15 kung saan kapag makakatipid umano ang mga drivers ng hanggang P1,800 kada linggo.
Ang desisyon para palawigin ang fuel discount para sa mga operators at drivers ng PUB ay napagkasunduan matapos ang isinagawang Cabinet meeting na kaniyang pinangunahan nitong Martes, Agosto 4 sa Malacañang at sa kautusan na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Hindi naman na binanggit ng opisyal kung hanggang kailan ito magtatagal at kung magkano ang inilaan ng gobyerno para sa P12 fuel discount program.
Una ng sinabi ng Palasyo na magtatapos ngayong buwan ng Agosto ang nasabing ipinapatupad na P10 fuel discount.










