Naniniwala ang Palasyo ng Malakanyang na divertionary tactics lamang ang palutang na naaresto si Senator Bato Dela Rosa.

Hinimok ng Palasyo ang publiko na maging mapanuri at alamin ang pinagmumulan at motibo ng mga impormasyong kumakalat bago ito paniwalaan.

Ayon kay Castro, walang sapat na konteksto ang mga ipinapakalat nina Atty. Bondoc at Harry Roque tungkol kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

--Ads--

Sinabi ni USec. Castro, na mistulang “timing” lamang ito upang mailihis ang atensyon ng publiko mula sa mga naisiwalat ng Commission on Audit tungkol sa umano’y hindi nareresibuhang paggasta ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ni Vice President Sara Duterte.