Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanilang papaigtingin ang pagbibigay nila ng seguridad sa mga paaralan sa bansa.

Kasunod ito nabanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa ika-limang State of the Nation Address niya kung saan nangako ito na dagdagan ang pagbibigay seguridad sa mga paaralan sa bansa.

Sinabi ni PCol .Allen Rae Co, ang hepe ng Public Information Office ng PNP, na nagpapasalamat sila dahil sa pagkilala ng pangulo sa ginagawa nilang pagbabantay sa mga paaralan para maprotektahan ang mga mag-aaral.

--Ads--

Mas lalo aniya nilang papaigtingin ang pagbabantay para lalo maging ligtas ang mga paaralan.

Magugunitang sa kaniyang SONA binanggit ng Pangulo na may mahigpit na ugnayan ang PNP at Department of Education (DepEd) para mapaigting ang pagbibigay seguridad sa mga paaralan at maiwasan ang anumang kriminalidad na nangyayari sa mga paaralan na ang sangkot ay mga mag-aaral.