Naghain ng “not guilty plea” sina Senador Rodante Marcoleta at kaniyang kapwa-akusadong si Joseph Espiritu sa Sandiganbayan kasabay ng kanilang arraignment ngayong Miyerkules, Hulyo 22 kaugnay ng kanilang kinakaharap na kaso may kinalaman sa umano’y hindi idineklarang campaign donations.
Parehong naghain si Marcoleta ng not guilty plea para sa kasong plunder at paglabag sa isa sa tatlong bilang ng Presidential Decree No. 46, na nagbabawal sa mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na tumanggap ng mga regalo, at nagbabawal din sa mga pribadong tao na magbigay ng regalo sa kanila.
Ang dalawang PD No. 46 cases ni Marcoleta ay hinahawakan ng First at Fourth Division. Ang isang campaign donor umano ng senador at negosyanteng si Aristotle Viray ang kapwa-akusado niya sa ilalim ng First Division habang si dating Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor naman sa ilalim ng Fourth Division.
Naghain din ng parehong plea ang campaign donor umano ni Marcoleta na si Joseph Espiritu para sa paglabag sa parehong batas (PD No. 46).
Nag-ugat ang mga kaso sa umano’y P75 milyong campaign donations mula kina Espiritu, Defensor at Viray na hindi umano idineklara ni Marcoleta sa kaniyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) noong 2025 senatorial elections.
Kapwa nakadetene sina Marcoleta at Espiritu sa Quezon City Jail sa Payatas kasama ang kanilang kapwa-akusado na sina Defensor at Viray.










