Bumagsak ang piso at lumapit sa pinakamababang halaga nito kontra dolyar sa gitna ng mga bagong pangamba dulot ng tumitinding tensiyon sa alitan ng US at Iran.
Humina ang local currency ng 11.1 centavos upang magsara sa P61.71 kadad dolyar mula sa P61.599 kada dolyar noong Lunes, lumapit sa record low na P61.75 kada $1 na naitala noong Mayo.
Sa isang komentaryo, sinabi ng isang economist na ang paghina ng piso ay dulot ng pagtaas ng pandaigdigang presyo ng krudo sa bagong pinakamataas na antas sa loob ng isang buwan matapos ang mga sagupaan kamakailan ng US at Iran kaugnay ng isyu sa Strait of Hormuz.
Nakaapekto rin umano ang muling pagpapatupad ni US President Donald Trump ng blockade sa mga barkong Iranian na dumadaan sa Strait of Hormuz at ang hiling nitong 20 porsiyentong reimbursement sa lahat ng iba pang kargamentong ipinadadala sa naturang karagatan.










