Umabot na sa mahigit P12.50 million ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura mula sa pananalasa ng nagdaang bagyong Inday.

Bunsod nito, ayon sa Department of Agriculture (DA), naapektuhan ang kabuuang 1,078 magsasaka na mayroong 500 ektarya ng agricultural areas sa apat na rehiyon.

Base initial assessment ng DA Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, naitala ang pinsala sa sektor ng agrikultura sa Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Negros Island Region.

--Ads--

Nagresulta ito sa pagkawala ng 107 metrikong toneladang produksiyon, na subject sa validation.

Inaasahan pa ang karagdagang pinsala at pagkalugi sa mga apektadong rehiyon habang nagpapatuloy ang isinasagawang assessment at validation.

Bilang tugon sa mga pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisdang apektado ng habagat at ng nagdaang bagyong inday, naglatag na ang ahensiya ng mga interbensiyon kabilang ang mga agricultural inputs, Survival and Recovery Loan Program at indemnification ng mga apektadong insured farmers.