Matagumpay na nakakuha ng tiket sa semifinals ang England matapos pataubin ang Norway, 2-1, sa isang kapanapanabik na quarterfinal match ng FIFA World Cup 2026 na umabot pa sa extra time.

Nagpakitang-gilas ang Three Lions sa matinding bakbakan at naisalpak ang go-ahead goal na naging susi upang maungusan ang matatag na depensa ng Norway.

Sa kabila ng matinding paglaban ng Norway hanggang sa huling minuto, hindi na nila nagawang maitabla ang laban kaya tuluyang nagtapos ang kanilang kampanya sa torneo.

--Ads--

Sa panalong ito, opisyal nang umuusad ang England sa semifinals, kung saan haharapin nila ang magwawagi sa quarterfinal showdown ng Argentina at Switzerland.